Hindi na mauulit ang pagsipa ng presyo ng sibuyas ng P600 hanggang P800 kada kilo.
Ito ang tiniyak ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. sa pulong ng House Committee on Agriculture and Food.
Aniya, mahigpit siyang nakatutok sa supply at presyuhan ng mga sibuyas sa bansa.
Batay sa kaniyang sariling pag-monitor at tulong ng kaniyang staff, ang presyo pulang sibuyas ay nasa P140 kada kilo, habang P110 kada kilo ang puti.
Malapit ito sa prevailing price na sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na nasa P140 hanggang P160 na batay sa pagbabantay ng DA sa mga pamilihan.
Sinabi rin ni Bureau of Plant Industry (BPI) Exec. Dir. Glenn Panganiban na may inaasahang imported na supply na darating upang mabalanse ang presyo.| ulat ni Kathleen Jean Forbes