Isang dayalogo ang isinagawa ng Armed Forces of the Philippines at ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs sa Camp Aguinaldo kahapon.
Ayon sa AFP, layon nito na mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng militar, UN agencies at mga local and international non-government organizations sa bansa sa pagsulong ng kaunlaran sa mga komunidad.
Pinangunahan ang pulong nina Civil Military Operations Deputy Chief of Staff BGen. Arvin Lagamon, J7 at ni OCHA Philippine Head Manja Vidic.
Iprinesenta dito ang mga flagship initiative ng UN-OCHA para sa mga komunidad.
Giit ni BGen Lagamon, mahalaga ang dayalogo upang maresolba ang ugat ng kaguluhan at mapaunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino na nasa mga lugar na apektado ng insurhensya. | ulat ni Leo Sarne
📷: Sgt Ambay/PAOAFP