Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko kaugnay sa tumataas na kaso ng respiratory illness sa Northern China.
Ayon sa DOH, walang kinalaman sa COVID-19 ang pagtaas ng bilang ng mga Tsino na nagkakasakit bagkus ito ay dahil sa malamig na panahon na nararanasan sa Hilagang bahagi ng China.
Nakipag-ugnayan na sila sa Chinese Health Department tungkol dito at nilinaw sa kanila na walang dapat ikabahala ang buong mundo.
Dahil dito, umaapela ang DOH sa mga Pilipino na huwag agad maniniwala sa mga nababasa o nakikita sa social media tungkol sa pagtaas ng kaso ng may respiratory problem sa naturang bansa.
Pinapayuhan naman nila ang mga may comorbidity na boluntayo g magsuot ng face mask at magpabakuna. | ulat ni Michael Rogas