Kasabay ng paggunita sa National Children’s Month, nakatakdang gumastos ang gobyerno ng tinatayang nasa P15.8 bilyon upang labanan ang ‘child hunger’ sa mga eskwelahan at daycare sa pmamagitan ng feeding programs.
Ayon kay Makati City Representative at House Committee on Appropriations Vice Chair Luis Campos Jr., marami kasing mga mahihirap na pamilya ang hindi nakakabili ng pagkain dahil sa matas na presyo ng bilihin.
Aniya, sa pamamagitan ng feeding program, mabibigyang nutrisyon, maiibsan ang kagutuman sa mga kabataan at maiiwasan ang ‘drop outs’ .
Dagdag pa ng mambabatas na maraming low-income families ang nahihirapan dahil sa kakulangan ng pagkain.
Kaya naman aniya, naglaan ng P11.7 bilyon para sa School-Based Feeding Program (SBFP) ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng 2024 national budget.
Ito ay maliban sa P4.1 billion na Supplementary Feeding Program (SFP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). | ulat ni Melany Valdoz-Reyes