Dapat ipagpatuloy ng pamahalaan ang pamamahagi ng subsidiya sa mga mahihirap na Pilipino.
Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa kabila ng gumagandang inflation rate ng bansa.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, sa ganitong paraan aniya ay maaabot pa rin ng bansa ang target nito na ibsan ang hirap na dinaranas ng publiko.
Umaasa si Balisacan na sa pagsapit ng taong 2028, makakamit ng Pilipinas ang single-digit poverty rate.
Una nang sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinag-aaralan na nito kung paano pa mapalalawak ang kanilang cash transfer programs. | ulat ni Jaymark Dagala