Panawagan para makipagtulungan ang mga ahensya ng pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC, hindi tungkol sa personalidad bagkus ay bilang pagkilala sa Rule of Law–Rep. Abante

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumalang na sa House Committees on Justice at Human Rights ang House Resolutions 1393 at 1477 na kapwa inuudyukan ang mga ahensya ng pamahalaan na makaipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court sa Pilipinas.

Sa sponsorship speech ni Manila Rep. Bienvenido Abante, binigyang diin nito na ang mga resolusyong inihain ay bilang pagtalima at pagkilala sa Rule of Law at hindi dahil sa sinomang personalidad.

“This resolution involves principles, not personalities. Our commitment to the Rule of Law is a fundamental pillar of our democracy. By cooperating with the International Criminal Court, even after our withdrawal from the Rome Statute, we demonstrate that no one is above the law, and that we are accountable for our actions. Uulitin ko: this resolution is about principles, not personalities. And the Rule of Law is a sacred principle in our Republic.” Saad ni Abante

Dagdag pa nito na sa pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ICC ay bahagi ng pagkilala at pagsusulong sa karapatang pantao at dignidad ng ating mga mamamayan

“Cooperating with the ICC should be construed as an effort by the Philippines to uphold human rights, as we recognize that a fair and impartial investigation is essential to address allegations of human rights abuses. This is not just about the international community; it is about standing up for the rights and dignity of our own citizens. Let me stress that this resolution is also about protecting the human rights of those being investigated by the ICC––their right to due process, their right to be innocent until proven otherwise.” dagdag ni Abante

Una nang binigyang diin ni Abante na sa kabila nag pagtiwalag ng Pilipinas mula sa Rome Statute, pinagtibay ng Korte Suprema sa desisyon nito na nananatili ang hurisdiksyon ng ICC sa lahat aktibidad na ginawa ng mga gobyerno hanggang March 17, 2019.

Magkakaroon ng susunod na pag-dinig ang Komite kung saan iimbitahan ang Department of Justice, Office of the Solicitor General at Commission on Human Rights.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us