Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Chinese President Xi Jin Ping, nagkausap na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaharap at nagkausap na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Chinese President Xi Jin Ping.

Ito ang kinumpirma ng Presidential Communications Office kasunod ng unang pahayag mismo ng Pangulo na may naitakda silang pulong ng Chinese leader.

Wala pa namang detalye na ibinibigay ang Palasyo subalit una nang sinabi ng Punong Ehekutibo na mapag-uusapan nila ni President Xi ang may kinalaman sa mga nagdaang pangyayari sa West Philippine Sea.

Una nang binigyang diin ng Pangulo na pangunahin pa ring pakay ng kanilang magiging pag-uusap ni President Xi na makamit ang kapayapaan sa gitna ng usapin sa West Philippine Sea.

Inaasahan namang huhupa ang anomang tensiyong nararamdaman kasunod ng nasabing paghaharap na kung saan, tiyak na isasapubliko ng Palasyo ang detalye ng naging talakayan sa pagitan ni Pangulong Marcos at President Xi. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us