Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., naka-monitor sa pinakahuling sitwasyon, kasunod ng pagtama ng 6.8 magnitude na lindol sa Davao Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakabantay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pinakahuling sitwasyon kaugnay sa pagtama ng 6.8 magnitude na lindol sa Davao Occidental, kaninang pasado alas-4:00 ng hapon.

Pahayag ito ni Communications Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, sa kabila ng pagiging abala ng pangulo sa kaliwa’t kanang aktibidad sa nagpapatuloy na working visit nito sa Estados Unidos.

Ayon sa kalihim, agad na inatasan ni Pangulong Marcos ang mga kinauukulangang tanggapan ng pamahalaan na umaksyon, at sigurugin ang kaligtasan at kapakanan ng mga residenteng naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol.

Kung matatandaan, una nang siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakaantabay na ang kanilang hanay, at agad na ipararating ang tulong sa mga nangangailangan.

“The President has instructed every relevant government agency to promptly take action to ensure the safety and well-being of those affected.” —Secretary Garafil. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us