Pursigido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makausap pa rin si Elon Musk matapos na hindi natuloy ang sana ay kanilang pulong sa sidelines ng APEC Leaders meeting.
Hindi natuloy ayon kay Pangulong Marcos ang kanilang pagkikita ng may-ari ng Tesla at Space X dahil sa nagkasakit umano ito.
Sabi ng Pangulo, gagawa sila ng paraan para makausap si Musk sa gitna ng pagnanais na madala sa Pilipinas ang gaya ng battery technology.
Hindi maitatanggi na nangunguna si Musk sa industriya sabi ng Pangulo kaya’t hahanap talaga sila ng oportunidad na ito ay makausap.
Napag-alaman na bukod Kay Pangulong Marcos ay maraming dapat na makausap umano si Musk sa San Francisco subalit sa kasamaang palad ay nagkaroon ito ng karamdaman. | ulat ni Alvin Baltazar