Pangulong Marcos Jr., inimbitahan ng Peruvian President para sa isang official state visit sa Peru

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inimbitahan ni Peruvian President Dina Boluarte si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para bumisita sa kanilang bansa para sa isang official state visit.

Ang imbitasyon ay ipinaabot ng lider ng Peru kasunod ng bilateral meeting ng dalawang country leaders kanina.

Sa nasabing pulong ay hinikayat din ng Peru leader si Pangulong Marcos na magkaroon ng Philippine Embassy sa Peru at ito’y sa harap na din ng gagawing pagbubukas ng Peru ng kanilang embahada naman sa Manila.

Taong 2023 ng isara ng Peru ang kanilang embahada sa Maynila dahil sa austerity program.

Kaugnay nito ay inihayag ni Pangulong Marcos na panahon na para sa
Pilipinas at Peru na ipursige ang mas malakas pang ugnayan sa gitna kapwa ng pagsisikap na makabangon mula sa pandemya at mga hamong kinakaharap dulot ng geopolitical shocks na aniya’y ramdam kapwa ng dalawang nasyon.

Ilan naman sa mga ini-export ng Pilipinas sa Peru ay electronic products, tuna, non-metallic mineral manufactures, chemicals products at iba pa.

As of September 2022, may 160 Filipinos sa Peru na karamihan ay professionals, sales workers, missionaries at estudyante.| ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us