Pangulong Marcos Jr., kumpiyansang maaabot ang 6 to 7% full year economic growth para sa 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa harap ng mga malalaking mamumuhunan ay ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang buong tiwala nitong kakayaning makamit ng Pilipinas ang 6 to 7 percent target ngayong pagtatapos ng 2023.

Sa Philippine Economic Briefing kaharap ang malalaking negosyante ay inihayag ng Chief Executive na kakayaning maabot ang nasabing full year economic growth target.

Kaugnay nito ay binigyang diin ng Pangulo, na maging ang mga pangunahing international financial institutions at think tanks gaya ng World Bank, International Monetary Fund at ASEAn+3 Macroeconomic Research Office ay sumasang-ayon na mauungusan ng Pilipinas ang iba pang mga bansa kung pag-uusapan ay economic growth target.

Nananatili din aniyang malakas ang Labor market condition habang patuloy na nakikitang mababa ang label ng unemployment, at kasabay nito ay umuusad naman ang kalidad ng employment. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us