Pangulong Marcos Jr., nasa Los Angeles na para sa second leg ng kanyang US official trip; Pinoy sa LA, kakamustahin ng Chief Executive

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa Los Angeles na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bahagi ng kanyang official trip sa Estados Unidos.

Dumating ang Pangulo lulan ng PAL flight 001 sa Los Angeles International Airport bandang 8:11 ng gabi (LA time).

Isa sa mga magiging pakay ng Pangulo sa LA ay ang makamusta ang Filipino community na kung saan ay inaasahan ding ibabahagi ng Chief Executive ang program ng administrasyon .

Bukod sa Filcom ay magkakaroon din ng pakikipag-pulong ang Pangulo sa business leaders sa Los Angeles.

Bago ang opisyal na biyahe sa Los Angeles ay dumalo muna ang Pangulo sa APEC Leaders Meeting sa San Francisco na aniyay isang matagumpay na kanyang partisipasyon doon.

Doon ay pinag-usapan ng kanyang kapwa lider ang tungkol sa AI, food security, energy security, at iba pa.| ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us