Excellent.
Ganito inilrawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging paghawak ng Estados Unidos bilang Chairperson, ngayong taon ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ meeting.
Ayon sa Chief Executive, kapuri-puri ang pangangasiwa ng US sa APEC summit kung saan ay nabuksan ang mahahalagang talakayan.
Ang mga talakayang nabuksan sa APEC sabi ng Punong Ehekutibo ay magdadala sa marami tungo sa isang matatag at matibay na hinaharap.
Kaugnay nito ay nakatakdang ipasa ng Estados Unidos ang responsibilidad nito bilang host ng APEC sa 2024 sa bansang Peru. | ulat ni Alvin Baltazar