Pangulong Marcos Jr., tuloy-tuloy na tumatanggap ng ulat hinggil sa mga aksiyong ginagawa ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kasunod ng 6.8 magnitude na lindol na yumanig sa Davao Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka-monitor si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ginagawang hakbang ng ibat- ibang ahensiya ng pamahalaan kasunod ng pagyanig na tumama sa Davao Occidental.

Sa panayam sa Pangulo ng Philippine Media Delegation sa San Francisco California, sinabi nitong alam na ng concerned government agencies ang kanilang gagawin at Hindi na niya kailangan pang magbigay ng direktiba sa mga ito.

Nagbibigay aniya ang mga ito ng report sa kanya at Hindi na kailangan pang tanungin kung ano ang susunod na hakbang na ipatutupad.

Samantala, handa aniya siyang putulin ang kanyang biyahe at umuwi kung kailangan.

Ito ay kung may dapat gawin na Hindi magagawa ng iBang opisyal ng pamahalaan kundi tanging siya lamang ang maaaring makagawa.

Ganunpaman, sinabi ng Pangulo na kumpiyansa siyang alam na ng mga kinauukulan ang kanilang gagawin at tuloy tuloy ang pagbibigay sa kanya ng update ng mga ito. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us