Pansamantalang paglaya ni dating Sen. de Lima, welcome sa CHR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Commission on Human Rights ang pansamantalang paglaya ng dating CHR Chairperson at Sen. Leila de Lima matapos pahintulutang makapagpiyansa ng Muntinlupa RTC.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na matagal na nitong hinihiling na agad mapahintulutan ng korte ang bail application ng dating senadora lalo’t napawalang sala na ito sa dalawa sa tatlong kaso ng iligal na droga laban sa kanya.

Patuloy naman aniyang imo-monitor ng CHR ang takbo ng natitirang kaso ni de Lima.

Kasunod nito, muli namang ipinunto ng komisyon ang kahalagahan na mabigyan ang bawat Pilipino ng due process at patas at mabilis na pagresolba sa kanilang mga kinahaharap na kaso, alinsunod na rin sa nakasaad sa konstitusyon.

Hinimok rin nito ang pamahalaan na agaran na ring marebyu ang kaso ng iba pang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na naghihintay na lang ng resolusyon sa kanilang kaso. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us