Panukala para solusyunan ang kakulangan ng silid-aralan at class-size, pinagtibay ng Basic Education Committee ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na sa House Committee on Basic Education and Culture ang House Bill 3174 ni House Deputy Speaker Ralph Recto na nagsusulong ng pagresolba sa classroom shortage.

Sinuportahan naman ito ng Department of Education (DepEd).

Ayon pa kay Deped Dir. Mar Bermudez, umaasa ang sila na mataasan ang annual budget ng kagawaran para sa capital outlay ng hanggang 20% upang makamit ang target na classroom-student ratio, at matugunan ang class shortage.

Kasabay ding inaprubahan ng komite ang consolidated substitute bill para sa regulasyon ng class size at pondohan ang implementasyon nito.

Giit ni ACT Teachers PL Rep. France Castro na siyang pangunahing may-akda ng panukala, mahalaga ang regulasyon ng class size o laki ng klase sa mga pampublikong paaralan, upang matiyak ang dekalidad na edukasyon na makukuha ng mga mag-aaral.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us