Panukalang 2024 budget na prinisinta ng Senado, sinisigiuro ang patuloy na pagpapatupad ng 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon – Sen. Angara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Sonny Angara na patuloy na maipapatupad ang 8-point socioeconomic agenda ng Administrasyong Marcos Jr., at iba pang strategic goals para sa ikauunlad ng Pilipinas sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

Pagdating sa food security, sinabi ng senador na naglaan ng P107.75 billion na pondo para sa banner programs ng Department of Agriculture (DA) kasama na rin ang patuloy na pagbibigay ng fuel assistance sa mga mangingisda at magsasaka.

Umaasa aniya siyang makakatulong ang pondong ito para magampanan ni bagong DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kanyang mandato.

Para sa sektor ng transportasyon, ibinahagi ni Angara na maglalaan ng pondo para sa fuel subsidy ng mga public utility vehicle (PUV) drivers at sa pagpapatuloy ng service contracting program.

Sa sektor ng edukasyon, dinagdagan ng Senado ang pondo para sa Department of Education (DepEd) at sa attached agencies nito ng P3.5 billion (para sa kabuuang pondo na P718.08 bilyon), gayundin sa Commission on Higher Education (CHED), sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at sa iba’t ibang State Universities and Colleges (SUCs).

Sa sektor naman ng kalusugan, nagdagdag ng P125 million para sa ‘Doktor para sa Bayan’ program at sa healthcare facilities sa buong bansa.

Tinitiyak rin ng panukalang pambansang pondo ang patuloy na pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan nating kababayan.

Habang para naman sa defense sector ay nirerekomenda ng Senate panel ang dagdag na pondo para sa pagapapanatili ng ating ng national security, territorial defense at pagtataguyod ng ating soberanya, at sa pagsugpo sa cybercrime. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us