Panukalang 2024 national budget, aprubado na ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa botong 21 na senador ang pabor, walang tumutol at isa ang nag-abstain, inaprubahan na ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang panukalang P5.768 trillion na panukalang pambansang pondo ng bansa para sa susunod na taon.

Dahil may urgent bill certification ang 2024 general appropriations bill (house bill 8980), matapos isara ang period of ammendments at maaprubahan ito sa ikalawang pagbasa at diretso na itong inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa.

Si Senate Minority leader Koko Pimentel ang nag-abstain sa naging botohan sa 2024 GAB dahil pa rin sa paninidigan ng senador na hindi dapat sinesertipikahang urgent bill ang panukalang pondo.

Ngayong, aprubado na sa Senado ay sasalang na sa Bicameral Conference Committee ang 2024 GAB para pagkasunduin ang magkaibang bersyon ng kamara at Senado ng panukalang pambansang pondo.

Tatayong chairman ng Senate delegation sa gagawing bicam para sa 2024 GAB si Senate Finance Committee chairman Sonny Angara at miyembro sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senadora Pia Cayetano, Imee Marcos, Cynthia Villar, Nancy Binay, Risa Hontiveros, Grace Poe, Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Bong Go, Francis Tolentino, Mark Villar, JV Ejercito, at Jinggoy Estrada.

Una nang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na inaasahan nilang mapipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang panukalang pambansang pondo bago ang official trip nito sa Japan sa December 16 to 18.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us