Panukalang amyenda sa pension system ng MUPs, ipre-presenta na sa plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakda nang i-endorso sa plenaryo ng Senado ang report ng Senate Committee on National Defense tungkol sa panukalang amyenda sa pension system ng mga Military and Uniformed personnel (MUP).

Sa ilalim ng committee report 173 para sa Senate Bill 2501, imamandato ang new entrants o bagong pasok sa serbisyo na magbayad ng mandatory contribution para sa kanilang pensyon.

Para sa militar, ang kanilang magiging kontribusyon ay katumbas ng 7% ng kanilang buwanang base pay at longevity pay, na tatapatan ng 14% na government share.

Habang para sa ibang uniformed personnel, kabilang ang PNP, PCG, BJMP, BFP, naman ay 9% ng kanilang monthly base pay at longevity pay ang magiging kontribusyon na tatapatan ng 12% government share.

Itinatakda rin ng panukala ang pagbubuo ng trust fund para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at para sa uniformed services, na pangangasiwaan naman ng GSIS.

Sa ilalim ng panukalang batas, 57 years old ang retirement age para sa uniformed services. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us