Panukalang iinstitutionalize ang programang Revitalized Pulis sa mga Barangay (RPSB), itinutulak sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ni Davao Oriental 1st District Rep. Nelson Dayanghirang ang panukalang gawin nang institution ang Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) program.

Sa ilalim ng House Bill 7886, magtatag ng RPSB sa lahat ng barangay sa bansa.

Ang barangay police units (BPU) ay gagawing organic at intergrated sa Philippine National Structure.

Ang BPU ay inaatasan na i-dismantle ang CTG-influenced People’s Organization, palakasin ang barangay-based institutions at i-facilitate ang national government support.

Sa kanyang sponsorship speech sa plenaryo, ibinahagi nito ang kanyang experience bilang chairman ng Davao Region’s Regional Peace and Order Council kung saan nakatulong ang programa sa laban kontra local armed conflict and communist insurgency.

Umaasa si Dayanghirang na maipapasa ang naturang panukalang batas upang matransform ang mga barangay sa bansa bilang safe and conflict-resilient barangays at mas mapapabuti ang paghahatid serbisyo sa mga komunidad.

Ang RPSB ay maituturing na human rights-based approach kontra insurgency dahil nakafokus ito sa pagpapalakas ng barangay-based institution at bibigyang daan ang suporta sa national government. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us