Prinesenta na ni Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones chairman Francis Tolentino ang panukalang batas na magdedeklara at tutukoy sa maritime zones na nasa hurisdiksyon ng Pilipinas.
Sa kanyang sponsorship speech para sa Senate Bill 2492, binigyang diin ni Tolentino ang kahalagahan ng panukalang ito lalo na para sa bansang Pilipinas na isang archipelagic at maritime na bansa.
Ayon sa senador, ang panukalang ito ay magpapahintulot sa Pilipinas na maipatupad ng buo ang ating mga maritime laws at ma enjoy natin ang ating karapatan sa ating teritoryo at Exclusive Economic Zone (EEZ).
Binigyang diin ng mambabatas na ang pinapanukalang batas na ito ay magsisilbing isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng ating bansa.
Sinabi ni Tolentnio na panahon na para sa Kongreso na ipasa ang Philippine Maritime Zones Bill sa gitna na rin ng nangyayaring pambu-bully ng China sa tropa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Nagpahayag naman ng suporta ang ibang mga senador sa panukalang ito.| ulat ni Nimfa Asuncion