Mabilis na nakalusot sa plenary deliberations ang P5.34 billion na panukalang pondo ng Office of the Ombudsman para sa susunod na taon.
Wala pang dalawang minuto ay isinumite na para sa plenary approval ang budget ng Ombudsman dahil walang senador ang nagtanong sa kanilang panukalang pondo.
Sa panayam matapos sumalang sa plenaryo ang kanilang budget, nagpasalamat si Ombudsman Samuel Martires na hindi na humaba ang talakayan sa kanilang panukalang pondo.
Ibinahagi rin ni Martires, na ibinaba na nila sa P1 million ang hiling nilang confidential fund para sa susunod na taon.
Malaking tapyas ito mula sa orihinal na ipinapanukalang alokasyon na confidential fund ng Ombudsman na nagkakahalaga ng P51 million.
Matatandaang una nang nagsumite ng formal request si Martires sa Senate Committee on Finance na gawing P1 million na lang ang kanilang confidential fund para sa susunod na taon at sa mga susunod na taon, hangga’t siya ang nakaupong Ombudsman. | ulat ni Nimfa Asuncion