Nagpasalamat si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos ianunsiyo na itataas ng ahensya sa 30% ang kanilang case rate para sa ilan sa kanilang benefit packages sa 2024.
Kasunod na rin ito ng liham ng mambabatas sa state health insurer, na humihiling na itaas ng 20 hanggang 30% ang benefit package nila.
Ngunit humirit ang mambabatas na dapat ay gawin itong across the board o applicable sa lahat.
“I welcome the pronouncement of PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr. that they would increase most of its benefit packages in 2024. However, for me, most is not enough; dapat across the board ang 30% increase–ika nga, sanaol.” ani Lee
Ayon sa kinatawan, hindi na makatotohanan o akma ang kasalukuyang case rate ng PhilHealth.
Punto nito, ang halaga na ibinibigay ng PhilHealth ay pang 2014 pa. | ulat ni Kathleen Forbes