Welcome para kay OFW party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang anunsyo ng COMELEC na ituloy ang internet voting para sa mg OFW sa 2025 elections.
Kamakailan nang ihayag ni COMELEC Chair George Garcia na magiging alternatibong pamamaraan ng pagboto para sa migrant workers sa midterm elections ang internet voting.
Salig aniya ito sa Section 16.11 ng RA. No. 9189 at Section 28 ng RA. No. 10590 patungkol sa overseas absentee voting.
Magkagayon man, umaasa pa rin si Magsino na maisabatas ang House Bill 6770 o panukalang Electronic Registration and Voting Act, upang matiyak na walang magiging legal impemdiment ang internet voting sa hinaharap.| ulat ni Kathleen Jean Forbes