Party-list solon, pinasasama ang pagtuturo ng anti-graft and corruption sa basic education

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasasama ng isang kongresista sa basic education curriculum ang anti-graft and corruption modules.

Ayon kay AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes, layon ng kaniyang House Bill No. 9054 o Anti-Graft and Corruption Education Act na imulat ang mga kabataan sa masamang epekto ng korapsyon.

“In order to raise the awareness of our youth on the detrimental effects of corruption, it is high time to equip our students with the necessary knowledge, skills, and values to resist and combat corruption,” aniya.

Punto ng mambabatas, habang nasa murang edad ay dapat na maituro na sa mga kabataan ang ethical behavior, moral character, katapatan, at pagiging patas bilang core human values.

Mahalaga aniya ngayon na palakasin ang moralidad ng bansa lalo at sa 2022 Transparency lnternational Corruption Perception Index ay nasa pang-116 ang Pilipinas mula sa 180 na mga bansa at territory sa buong mundo.

“Preventing corruption is a crucial goal for any established government aiming to foster transparency, accountability, and sustainable development,” aniya.

Sa ilalim ng panukala, ang DepEd, katuwang ang Office of the Ombudsman ang babalangkas sa naturang modules.

Kasama dito ang aralin tungkol sa “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees”;”Anti-Graft and Corruption Practices Act”; “Ombudsman Act; pati ang mga regulasyon ng Civil Service Commission tungkol sa disciplinary actions.

“Umaasa tayo na sa pamamagitan ng panukalang ito, magkakaroon tayo ng bagong henerasyon na mulat sa panganib ng korapsyon at hihingi ng pananagutan sa pamahalaan,” saad pa ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us