Partylist solons, umapela sa mga ahensya ng pamahalaan na iligtas ang 17 marinong na-hostage sa Red Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena nina Kabayan Party-list Representative Ron Salo at OFW Partylist Representative Marissa Magsino ang pag-hijack ng Houthi rebels sa isang cargo ship sa Red Sea kung saan hostage din ang 17 na Filipino seafarers.

Kapwa umapela ang mga mambabatas sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na gawin ang lahat ng paraan para mailigtas ang ating mga Pilipinong marino.

Mungkahi ni Salo na makipag-ugnayan sa international community para sa payapang ikareresolba ng isyu.

Hiling pa ng House Committee on Overseas Workers affairs chair sa international community, na makiisa sa pagdarasal para sa ligtas na pagpapalaya ng mga hostage kasama ang ating mga kababayan.

“It is imperative that we engage with international bodies to exert diplomatic pressure and influence towards a peaceful resolution. Our government’s intervention is crucial, and we must leave no stone unturned to protect our citizens caught in this perilous situation,” diin ni Salo.

Nais naman paimbestigahan ni Magsino kung mayroon bang naging kapabayaan kaya nauwi sa hostage taking ang insidente.

Punto ni Magsino ang mga ganitong panganib ang kinakaharap ng ating mga marino sa kanilang trabaho kaya’t mahalaga na maisabatas na ang Magna Carta of Seafarers.

“Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng panganib na kinakaharap ng ating mga seafarers sa kanilang trabaho at ito ang isang nais natin matulungang maresolba sa isinusulong nating Magna Carta for Seafarers. Bilang Kinatawan ng ating Overseas Filipino Workers sa Kongreso at isa sa pangunahing akda ng panukala, nais natin siguruhin ng shipowners ang karapatan ng ating mga seafarers sa ligtas na paglalakbay,” saad ni Magsino

Pagsiguro naman ni Magsino na nakatutok at makikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mabigyan ng agarang aksyon ang insidente. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us