Hiniling ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan sa Senado na dinggin na ang bersyon nito ng panukala na magpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa digital fraud.
Sa gitna na rin ito ng pagdagsa ng mga pekeng bank at e-wallet advisory na ipinapadala ng mga scammer.
Ani Yamsauan dahil sa paglipana ng mga scam messages na ito, kailangan ding magpadala ng mga lehitimong mensahe ang mga bangko para lang mapaalalahanan ang mga customer.
Inihalimbawa pa nito ang GCash na nakapagtala ng 4 na milyong accounts na isinara o blocked dahil sa pinaghihinalaang fraud mula Enero hanggang Hunyo 2023.
At Posible pa aniyang dumami ito lalo na ngayong holiday season.
Kaya apela ni Yamsuan sa mga senador na dinggin at ipasa na Senate version ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), na una nang inaprubahan ng Kamara noon pang Mayo.
Sabi pa ni Yamsuan, mismong mga mobile wallet providers at telecommunications company ang humingi sa Kongreso na pabilisin ang pag-apruba sa AFASA.
Lalo at nang pagtibayin ang SIM Registration Act ay may mga ulat na ibinebenta o ipinapahiram ang kanilang mga registered sim, e-wallet account at maging bank accounts sa mga scammer.
“On top of providing a shield of protection to consumers, the AFASA will also help safeguard the integrity of our financial system. We urge the Senate to pass its version of the AFASA to assure the public that they can continue to trust our financial system as we go forth with our inevitable shift to a digital economy,” ani Yamusan.| ulat ni Kathleen Jean Forbes