Pasig congressman, nanawagan sa mga kapwa mambabatas sa Asia Pacific Region para palakasin ang primary health care service

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilahad ni Pasig Rep. Roman Romulo ang posisyon ng Pilipinas kaugnay sa usapin ng universal health care sa ikatlong plenary session ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum.

Tinukoy ni Romulo na kumatawan sa Philippine delegation na kaisa ang Pilipinas sa hangarin ng mga karatig bansa sa Asya Pasipiko para matiyak ang karapatan ng lahat ng mamamayan para sa maayos na serbisyong pangkalusugan.

Ngunit batay aniya sa UN report on Sustainable Development Goals (SDG) progress sa Asia-Pacific Region, bago pa man tumama ang COVID-19 pandemic noong 2023 ay marami nang hamong kinakaharap sa pagkamit ng health targets.

Kaya naman mahalaga na ikonsidera ang iba pang mga posibleng hamon at balakid na sumulpot sa paglalatag ng mga polisiya patungko sa universal healthcare.

Kabilang aniya dito ang pagpapalakas sa primary care upang matugunan ang agad ang suliraning panglipunan sa pamamagitan ng preventive measures.

Makatutulong din aniya sa pagpapaigting sa pandemic response ang vaccination campain, early detection at community based surveillance.

Kasabay nito ay pinasalamatan din ni Romulo ang lahat ng doktor, nurse, health worker at iba pang frontline workers na humarap sa kasagsagan ng COVID-19 at patuloy na nagbibigay serbisyo hanggang ngayon.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us