PBBM, humingi ng suporta para sa sinisikap na pagwawakas ng matagal nang armadong pakikibaka ng komunistang grupo sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sambayanang Pilipino na suportahan ang mapayapang resolusyon upang ganap nang mawakasan ang ilang dekadang communist insurgency.

Sa pahayag ng Pangulo sa kanyang X (Twitter) account, sinabi ng Pangulo na nagkasundo na ang pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na muling ituloy ang nahintong peace talks.

Ito ay para na rin sa nagkakaisang Pilipinas sa gitna ng seryosong socio- economic, environmental, at foreign security threats.

Dagdag ng Chief Executive na magpapatuloy ang kanyang administrasyon na ipursige ang adhikain hindi lamang para sa kapayapaan kundi pati na na din sa kasaganaan at pagbubuklod ng bansa.

Mananatiling bukas din, sabi ng Punong Ehekutibo, ang pintuan ng pamahalaan para sa mga gustong makipagkaisa sa pagtataguyod ng kapayapaan at unity sa bansa.  | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us