PCG at PNP Maritime, nailigtas ang 17 crew ng Vietnamese Cargo Vessel na lumubog sa karagatang sakop ng Palawan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nailigtas ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police Maritime Group (PNP MARIG) ang 17 Vietnamese crew ng isang Vietnamese cargo vessel na nagsimulang lumubog sa karagatang sakop ng Balabac Palawan kagabi, November 21, 2023.

Lulan ng cargo vessel na VIET HAI STAR, ang nasa 4,000 tonelada ng bigas nang sumadaad ito malapit sa pier ng Balabac.

Narating ng PCG at PNP MARG ang kinaroroonan ng cargo vessel bandang 9:45 ng gabi matapos matanggap ang ulat ukol dito.

Pasado alas singko na ngayong umaga nang makarating ang SAR Team kasama ang 17 crew sa pantalan ng Balabac matapos na i-monitor pa ang sitwasyon ng nasabing cargo vessel.| ulat ni Lyzl Pilapil| RP1 Palawan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us