PCSO, isa sa mga unang nagpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa South Cotabato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad na nagpaabot ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga residente ng South Cotabato, Saranggani, at General Santos City matapos tumama ang malakas na lindol noong isang linggo.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, kaniyang inatasan ang kanilang sangay gayundin ang mga operator ng Small-Town Lottery (STL) sa mga apektadong lugar upang mamahagi ng pagkain sa mga pamilya at tiyaking naipaabot ang tulong sa kanila.

“Our deepest concern lies with the families affected by the earthquake. Through our close collaboration with local government units, we aim to ensure that these families receive the necessary assistance during this challenging time,” ayon kay GM Robles.

Nag-alok din ang PCSO ng tulong medikal sa mga nasugatan o di kaya’y dinala sa ospital sa ilalim ng kanilang Medical Assistance Program.

Dagdag pa ni Robles, naglaan din sila ng pondo para suportahan ang mga apektadong komunidad para sa muling pagbangon mula sa epektong dulot ng nasabing sakuna.

Kabilang sa mga tumugon sa panawagan ni GM Robles ay ang PCSO South Cotabato Branch Office gayundin ang mga STL operators gaya ng Tentro Gaming and Leisure Corporation at ang JGM Gaming & Leisure Corporation.   | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us