Peace negotiations ng pamahalaan at NDF, panibagong simula — Sec. Galvez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pagpapatuloy ng dating naudlot na usapang pangkapayapaan ang napagkasunduang peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front, bagkus ito ay panibagong simula.

Ito ang binigyang diin ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. sa kanyang mensahe sa Leadership Summit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay Galvez, malinaw ang intensyon ng gobyerno na makinig, makipag-usap, at unawain ang buong saklaw ng armadong pakikibaka para makamit ang “principled” at patas na resolusyon sa lahat ng isyu.

Tiniyak ni Galvez na lahat ng partidong may kinalaman sa nakatakdang usapang pangkapayapaan ay kukunsultahin upang makabuo ng framework para sa gagawing negosasyon.

Nilinaw naman ni Galvez na magpapatuloy ang lahat ng mga kasalukuyang programa at security operations ng pamahalaan hanggang sa makabuo ng pinal na kasunduan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us