Nananatiling bukas ang Embahada ng Pilipinas sa Jordan na tumulong sa mga Pilipino na nais lumikas mula sa West Bank dahil pa rin sa giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.
Ayon sa embahada, nasa 115 ang mga Pilipino ang kasalukuyang nasa West Bank, 85 ay mga residente na talaga ng West Bank habang nasa 21 naman ang Overseas Filipino Workers at may siyam na madre.
Matatandaan noong Oktubre nang itaas ng gobyerno sa alert level 2 ang West Bank at natulungan nga dito ang pitong Pinoy na mailabas.
Inasikaso ng Philippine Embassy sa Jordan ang mga pag-uwi ng mga Pinoy doon at prinoseso ang kanilang mga ticket.
Inabisuhan naman ang mga Pilipino na gustong lumikas dahil ang Department of Migrant Workers ang sasagot sa pamasahe kung sila ay OFW kung hindi naman ay sasagutin ng Department of Foreign Affairs ang kanilang pagbalik sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio