Napagkasunduan ng Philippine Navy at Republic of Korea (ROK) Navy na magtulungan sa pagtataguyod ng Rules-based international order sa karagatan.
Ito’y sa pagpupulong ni Philippine Navy Flag Officer In Command, Vice Admiral Toribio Adaci Jr at Chief of Naval Operations of the ROK Navy, Admiral Yang Yong-Mo sa Jinhae Naval Base, Korea, nitong Martes.
Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, nagpasalamat din si VAdm. Adaci sa suporta ng ROK Navy sa capacity-building ng Phil. Navy.
Nauna rito, ininspeksyon ni VAdm. Adaci ang Pohang Class Corvette (ROKS Andong) sa Jinhae Naval Base, na inaasahang ililipat sa Pilipinas.
Binisita din ni VAdm. Adaci ang Command Submarine Forces sa Jinhae Naval Base, kung saan nakipagpulong siya kanilang Commander na si RAdm Jeong Ho Kang, at binigyan ng tour ng Type-214 1,800-ton class submarine (ROKS Yun Bong-gil SS-077) at Submarine Integrated Training Center.
Nakipag kita din si VAdm. Adaci sa Commander ng Jinhae Naval Base, RAdm Tae Hoon Kim at Acting Superintendent ROK Naval Academy, RADM Su Youl Lee. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of Phil. Navy