Philippine Air Force Chief, lumahok sa Pacific Air Chief Symposium sa Hawaii

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumahok si Philippine Air Force Chief Lt. General Stephen Parreño kasama ang kanyang mga katuwang mula sa 22 bansa sa isinagawang Pacific Air Chief Symposium (PACS) 2023 sa headquarters ng Pacific Air Forces sa Hawaii.

Ang pagtitipon ng mga senior air force official mula sa Indo-Pacific, Europe, South America, at North America ay sa layong mapalakas ang kooperasyon sa pagtugon sa mga hamon sa regional security.

Nakatuon din ang pagtitipon sa pagsulong ng “interoperability” ng mga magkaalyadong bansa at pagpapalakas ng kapabilidad sa humanitarian assistance at disaster relief.

Nagkaroon si Lt. Gen. Parreño ng mga bilateral at multilateral na pagpupulong sa mga hepe ng air force ng US, Australia, Japan, Thailand, Brunei, Vietnam, at France.

Inanyayahan din si Lt. Gen. Parreño na maging isa sa mga panel members na tumalakay sa “Air Domain Awareness”, at iba pang paksang pandepensa. | ulat ni Leo Sarne

📷: PAF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us