Hinirang bilang overall champion ang Philippine Army sa pormal na pagtatapos kahapon ang 2023 Uniformed Service Olympics.
Ang palaro ay nilahukan ng mga atleta mula sa Philippine Army (PA), Philippine Air Force (PAF), Philippine Navy (PN), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ang Closing Ceremony sa Lapu-Lapu Grandstand sa Camp Aguinaldo ay pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.
Naging panauhing pandangal sa aktibidad si Commissioner Olivia “Bong” Coo ng Philippine Sports Commission (PSC) na kumatawan kay PSC Chairperson Richard Bachmann.
Dito’y inihayag ni Commissioner Coo ang buong suporta ng PSC sa mga atleta mula sa unipormadong serbisyo.
Sinabi ni Coo na ang taunang paligsahan ay patunay ng pagkakaisa ng lahat ng miyembro ng unipormadong serbisyo. | ulat ni Leo Sarne
📸: TSg Obinque/PAOAFP