Philippine Army Shooting Contingent, nagtapos sa ikatlong pwesto sa ASEAN Rifle Meet

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtapos sa ikatlong pwesto ang Philippine Army Shooting Contingent (PASCON) sa 10 bansang lumahok sa 31st Association of Southeast Asian Nations Armies Rifle Meet (AARM).

Ang paligsahan na pinangasiwaan ng Royal Thai Army ay idinaos sa Infantry Training Center, Fort Thanarat, Pran Buri District, Prachuap Khiri Khan, Thailand nitong Nobyembre 16 hanggang 25.

Binati ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang 25 miyembro ng PASCON sa pangunguna ni Col. William Victorino F. Upano sa matagumpay na pakikilahok sa isang linggong kumpetisyon.

Nakamit ng PASCON ang isang perpetual trophy, 12 gintong medalya, 7 silver medal, at 6 na bronze medal, na nagresulta sa pagtatapos sa ikatlong pwesto, kasunod ng Vietnam na pumangalawa, at Indonesia, na overall champion.

Ang Pilipinas ang susunod na magiging host ng taunang kumpetisyon sa 2024. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us