Philippine Red Cross, naghatid ng tulong sa mga pamilya na apektado ng masamang panahon sa Luzon at Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang patid ang pagbibigay ng tulong ng Philippine Red Cross sa mga pamilya na apektado ng low pressure area (LPA) at ng shearline nitong weekend sa Eastern sections ng Luzon at Visayas.

Kaugnay nito ay naghatid ang PRC Northern Samar Chapter ng hot meals sa 153 na mga individual, nagtayo rin ng welfare desk at first aid station sa Polangi Evacuation Center upang makapagbigay ng physical, mental, at medical attention sa mga evacuee.

Habang sa, Lucena, Quezon naman nagbigay ito ng blood pressure monitoring sa mahigit 40 indibidwal at psychosocial first aid sa mahigit 100 indibidwal.

Layon ng naturang tulong na maibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya na kasalukuyang tumutuloy sa mga evacuation center.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, naka-pwesto na rin ang kanilang payloader para sa clearing operations at patuloy na pag-asiste sa mg lugar na apektado ng masamang panahon.

Sa ngayon, nasa mahigit 1,400 na mga indibidwal ang apektado at kasalukuyang tumutuloy sa 12 evacuation centers sa Northern Samar, Western Samar, at Masbate. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us