Ibinaba ng Phivolcs sa magnitude 6.8 ang malakas na lindol na tumama sa Sarangani Island, Davao Occidental kaninang alas-4:14 ng hapon.
Natunton ang epicenter ng lindol 34 kilometers Northwest ng Sarangani Island.
Ito ay may lalim na 72 kilometers.
Narito naman ang pahayag ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol kaugnay sa dahilan ng pagbaba sa magnitude 6.8 na lindol tumama sa Sarangani.
Ayon pa sa Phivolcs, patuloy na nararanasan ang mga aftershocks at inaasahan din ang mga pinsala dahil sa naturang pagyanig. | ulat ni Diane Lear