Nahirang ang PIlipinas bilang second-best sa Southeast Asian Nations sa 2023 United Nations Global Survey on Digital and Sustainable Trade Facilitation.
Umakyat ang rango ng Pilipinas mula sa third spot noong 2021 sa score na 87.10%
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ito ay dahil sa “impressive achievement” ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio.
Dahil sa modernization ng BOC, nabago ito bilang world-class customs agency.
Aniya, naging sopistikado at moderno na ngayon ng customs sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Sa ngayon, nakapag-digitalize ang ahensya ng 160 customs processes na may grading na 96.39% digitalization rate.
Nito lamang Nobyembre 11, inilunsad ng Aduana ang e-travel system, isang single platform na available sa eGoV application na naglalayong pagkalooban ang mga pasahero at crew members ng komportableng baggage declaration form, mas pinalakas na border control, pinalawak na health surveillance at facilitate economic data analysis.
Dahil sa pagpapahusay ng digitalization ng BOC, mas madali nang makakasunod ng stakeholders sa mga polisiya ng ahensya alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. | ulat ni Melany Valdoz Reyes