Pilipinas at Germany nagkaroon ng pagpupulong para sa muling pagkuha ng OFWs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng pagpupulong ang Pilipinas at ang bansang
Germany para sa muling pagkuha ng overseas Filipino workers na magtatrabaho sa kanilang bansa.

Ayon kay German Embassy Economic Counsellor David Klebs, kabilang sa mga nais nilang makuhang OFWs sa Pilipinas ay mula sa sektor ng healthcare dahil isa ang mga Filipino health workers sa mga masisipag magtrabaho.

Dagdag pa ni Klebs, isinasapinal na ang isang Memorandum of Agreement para sa naturang pangailangan ng mga OFWs sa Germany.

Kabilang din sa lalamanin ng MOU ay ang pagkuha rin ng ibang mga professionals mula sa iba’t ibang sektor.

Samantala, nangako naman ang bansang Germany na magkakaroon ng magandang empleyo at benepisyo ang mga makukuhang OFWs.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us