Pilipinas, hiniling ang suporta ng APPF Member Parliament para sa candidature sa non-permanent seat sa UN Security Council

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na hiniling ng Pilipinas sa mga kasaping bansa sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) na suportahan ang ating kandidatura para sa non-permanent seat sa UN Security Council sa 2027 hanggang 2028.

Sa inaugural ceremony ng APPF, sinabi ni Speaker Martin Romualdez na handa na ang Pilipinas para sa mas malaking papel sa pagsusulong ng kapayapaan at katatagan sa international community.

“…The Philippine delegation would like to request the unwavering support of all APPF Member States for the candidature of the Philippines for a non-permanent seat on the UN Security Council for the term 2027-2028. The Philippines stands ready to shoulder the responsibilities of this esteemed position, driven by our unwavering commitment to peacebuilding and our persistent efforts in combating terrorism,” sabi ni Romualdez.

Isa sa inihalimbawa ni Romualdez ay ang karanasan ng Pilipinas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kaya naman sa pagsusulong ng Pilipinas na maging bahagi ng UN security council ay ipinapakita natin ang pagtalima sa rules-based international order at ang ating genuine commitment na makipagtulungan sa global community para sa peace and security.

“The Philippines stands poised to leverage its unique insights and experiences to foster constructive dialogue and collaborative action on the world stage, aspiring to be a beacon of hope and progress in the pursuit of a more peaceful and secure world,” wika pa ni Romualdez.

Una nang ibinahagi ng House Speaker na sa working lunch sa unang araw ng APPF ay nakakuha na sila ng suporta mula sa isang member country. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us