Magiging punong abala ang bansa para sa ikatlong Indo-Pacific Business Forum na naka-schedule sa susunod na taon at gagawin sa Pilipinas.
Marso 2024 nakatakda ang nasabing forum na inaasahang lalahukan ng mga bansang kasapi ng IPEF gaya ng Estados Unidos, Australia, Brunei Darussalam, India, Indonesia, Japan, ang Republic of Korea, Malaysia, New Zealand, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Ang Fiji ang pinakabagong miyembro ng IPEF.
Inaasahan namang magpapalalim ang pagiging host ng Pilipinas sa susunod na taon bilang pangunahing sentro para sa regional supply chains at mataas-kalidad na investment.
Kasama ding magiging punong abala ng bansa ang Estados Unidos.
Nitong 2nd Indo-Pacific Economic Framework for Prosperity (IPEF) Leaders’ Meeting ay kasamang nakilahok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at iba pang world leaders na nangakong ipatupad ang mga hakbang na maiiwasan ang pagkakabasag ng supply chain, itaguyod ang green energy, at labanan ang katiwalian.| ulat ni Alvin Baltazar