Malugod na ibinahagi ni Speaker Martin Romualdez na mabunga agad ang unang araw ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum o APPF na ginaganap ngayon sa Maynila.
Aniya, sa kanilang working lunch kasama ang mga delegado, isang bansa ang nagpahayag ng suporta sa kandidatura ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa UN Security Council.
Dahil dito, kumpiyansa ang House leader na magiging positibo ang resulta ng APPF para sa naturang bid ng Pilipinas.
“Kaka lunch lang natin at naka-isa na tayo. Nakadagdag tayo ng isa and that is just on the first lunch and we will be collaborating [with] our other friends in the region for our candidature for the non-permanent seat at the UN security council for the ensuing year. So naka commit na yung isa, kay right away this forum is paying off dividends so were very confident that a with God’s prayers and all of your support we shall be successful.” sabi ni Romualdez
Pagbabahagi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na maliban sa isang nagbigay ng commitment ngayong araw— nasa 15 bansa na ang nagpahayag ng suporta ayon sa Department of Foreign Affairs.
Una nang inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalao ang plano ng Pilipinas, na magkaroon ng non-permanent seat sa UN Security Council para sa 2027 hanggang 2028 na term.
Dati nang naging non-permanent member ng UN Security Council ang Pilipinas noong mga taong 1957, 1963, 1980-1981 at 2004-2005. | ulat ni Kathleen Forbes