Pilipinas, nakatakdang tumanggap ng standby credit line mula sa World Bank na magagamit tuwing may kalamidad, health emergencies

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang makatanggap ang Pilipinas ng standby credit line mula sa World Bank para sa disaster response at pagtugon sa climate threats.

Ito ay nagkakahalaga ng $500-million US dollars na Development Policy Loan para sa bansa.

Sa ilalim ng International Bank for Reconstruction and Development (IBRD), popondohan ng World Bank ang Philippines Disaster Risk Management and Climate Development Policy Loan with a Catastrophe Deferred Drawdown Option (DDO) na naglalayong maibsan ang impact ng kalamidad at health crisis sa ekonomiya ng bansa.

Ang pondo ay maari lamang i-disburse kapag idineklara ng Pangulo ang “State of Calamity.”

Ang buong halaga ay magiging available sa loob ng tatlong taon, kung saan bibigyang daan ang pamahalaan ng access sa pondo upang magamit na maibsan ang epekto ng sakuna at tulong sa vulnerable sektor.

May probisyon din ang programa na i-renew ito ng  apat na beses sa kabuuang maximum na 15 taon.

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, malaki ang magiging pakinabang ng Pilipinas sa Development Policy Loan bilang isang bansa na disaster prone.

Ang “drawdown” feature nito, ay magbibigay daan sa  mabilis na disbursement ng pondo  para sa agarang paghahatid ng serbisyo sa mga nangangailangan.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us