Pinakaunang Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, mayroon nang state of the art equipment

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakaunang Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RDDL) sa Barangay Taguibo, Butuan City, bunuksan ng Department of Agriculture o DA Caraga.

Ayon kay Dr. Esther Cardeño, hepe ng Integrated laboratories ng DA – Caraga ang laboratoryo ay malaking tulong bilang pamamaraan upang maiwasan at makontrola  ang kahit anong disease outbreak sa rehiyon na posibleng dumapo sa mga halaman at hayop.

Malaking tulong ang makabagong teknolohiya at pagsusuri upang lumago ang industriya ng paghahayupan sa rehiyon, tulad na lamang sa kaso ng African Swine Fever (ASF), na madali nang marespondihan ng mga LGU bago pa man kumalat.

Laking pasasalamat ang ipinaabot ni Butuan City Veterinaran Dr Mancio Alegado dahil ang pagtitiyak ng kaligtasan ng livestock at poultry products ay mahalaga hindi lamang sa pang rehiyunal na usapin para ma protektahan ang national food security kung di pangkalahatang suplay ng pagkain.

Ikinatuwa ng pamahalaang local ng Butuan ang pagbubukas ng laboratoryo dahil maliban sa mga magsasakang naka depende sa gulay, prutas at palay, mabibigyan na rin ng pansin ang mga pangangailangan ng mga nag-aalaga ng hayop, gaya ng baka, baboy at manok. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan  

📸 DA Caraga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us