Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na umabot sa 38 ang bilang ng mga Chinese vessels ang kanilang naitala sa paligid ng Ayungin Shoal matapos ang huling pagsasagawa nito ng resupply mission para sa BRP Sierra Madre.
Sa pahayag ni PCG Spokeperson Jay Tarriela sinabi nitong sa pagsasagawa ng pinakahuling resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin ay na-spotan nila ang bilang ng mga Chinese vessels noong Biyernes kung saan nagkaroon pa ng insidente ng paggamit ng Chinese Coast Guard ng water cannon sa isang military-commissioned boat ng gobyerno.
Ayon kay Tarriela, ito na ang pinakamaraming bilang ng mga Chinese vessels na kanilang naitala sa vicinity ng Ayungin Shoal na aabot sa 38. Kung saan 28 dito ay pinagsusupetsyahang kabilang sa Chinese maritime militia (CMM), lima mula sa CCG, at limang iba pa ay mga warships ng People’s Liberation Army-Navy.
Pero ipinunto ng PCG official na bagama’t hindi aktibong kasangkot ang karamihan sa mga Chinese vessels, anim na barkong Chinese maritime militia at limang barko ng CCG ang sangkot sa blocking operations.
Sa kabila pa ng maniobra na ginawa ng mga Chinese vessels, matagumpay pa rin ang isinagawang resupply mission para sa BRP Sierra Madre ngunit muli namang kinondena ng Pilipinas ang ginagawa ng mga barko ng China sa lehitimong rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal. | ulat ni EJ Lazaro