Pinsala ng magnitude 6.8 na lindol sa agri sector, umabot na sa ₱7-M — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa ₱7.25-million ang halaga ng pinsalang idinulot ng tumamang magnitude 6.8 na lindol sa sektor ng agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa assessment report ng DA-DRRM Operations Center, aabot sa 81 ektarya ng agricultural areas ang tinamaan ng lindol kung saan mayorya ay naitala sa Soccsksargen.

Kabilang sa mga apektado ang mga taniman ng mais, high value crops, livestock, poultry, at fisheries.

Aabot rin sa 120 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang pangkabuhayan dahil sa malakas na lindol.

Una nang iniulat ng DA na may 44 na bangkang pangisda at 220 fishing gears ang napinsala sa Sarangani province na nakaapekto sa mga mangingisda sa lugar.

Kaugnay nito, sinabi ng DA na nagbukas na ang mayorya ng kalsada sa mga apektadong lugar kaya hindi apektado ang paghahatid ng agricultural commodities sa mga lalawigan.

Patuloy naman ang assessment at koordinasyon ng DA sa mga NGAs, LGUs, at iba pang DRRM-related offices para sa maaring maihatid na assistance sa mga naapektuhan sa sektor.

Mayroon na ring bufferstock ng mga binhi ang nakahanda na para maipamahagi sa mga apektadong magsasaka. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us