Pumalo na sa Php 469 million ang halaga ng pinsala sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 8 dulot ng epekto ng shear line sa Northern Samar, Eastern Samar, at Samar.
Ayon sa ulat ng DPWH, nasa Php 215.5 million ang halaga ng totally damaged infrastructure habang Php 253.9 million naman sa partially damaged infra projects.
Kabilang sa mga nasira ang mga kalsada, mga tulay, flood control projects at iba pa pang imprastraktura.
Pagtaya ng DPWH 8- Maintenance Division, aabot ng Php 716.656 million ang kailangang pondo para maayos ang mga nasirang imprastraktura sa Eastern Visayas.
Sa ngayon, may binuksan nang 7 sa kabuuang 9 na road sections sa Northern Samar First District, Northern Samar Second District, Samar First District, at Eastern Samar District.
On-going pa ang clearing operation sa dalawa pang saradong national road sections sa Northern Samar First District.| ulat ni Rey Ferrer