Piso one-way base fare, alok ng Cebu Pacific Airline, para sa piling local at int’l destination

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Cebu Pacific na simula November 8 hanggang November 11, 2023, maaaring mag-book ang mga manlalakbay para sa mga piling local at international destination sa halagang ₱1 one-way base fare na walang babayarang surcharge.

Sa abiso ng Cebu Pacific magagamit ang ₱1 one-way base fare sa panahon ng paglalakbay mula April 1 hanggang October 31, 2024.

Dapat planuhin ng maaga ng mga bisita ang pagkuha sa pamasahe ng naturang halaga bilang regalo ng nasabing air carrier sa mga manlalakbay na patungong Laoag, Dumaguete, Ozamiz, Davao, Tacloban, at Cebu.

Maari ding mamasyal ang mga bisita sa international destination sa pamamagitan ng direktang flight mula Maynila, Cebu, o Clark sa Hong Kong, Taipei, Macau, Bangkok, at Ho Chi Minh.

Kasalukuyang lumilipad ang Cebu Pacific sa 35 domestic at 25 international destination sa buong Asia, Australia, at Middle East. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us